Tuesday, January 26, 2016

Dahil nabukong hindi tunay na babae, bading pinagnakawan ang foreigner

Posted January 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ninakawanDahil sa nabukong hindi tunay na babae ay nagawang pagnakawan ng isang Lady Boy ang dalawang Koreano sa Station 3. Manoc-manoc, Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, inireklamo ng Korean national na si Yang Jung You 25- anyos kasama si Sung Dung Kim 35-anyos ang isang bading na tumangay ng kanilang pera na nagkakahalaga ng P22, 000.

Ayon sa biktima, nagdala umano sila ng babae kasama ang nasabing Lady Boy sa kanilang hotel dahil sa pag-aakalang ito ay tunay ding babae ngunit nabuko umano nila itong bading at agad na pinalabas ng kwarto.

Sa pag-aakala namang umalis na ang nasabing lady boy ay nagdesisyon ang isang koreano na maligo sa banyo kasama ang isang babae ngunit sa paglabas ng mga ito sa banyo ay napansin ng biktima na nawawala na ang kanyang bag na may pera kung saan hindi naman umano ito namalayan ng kasamahang koreano.

Agad namang nagsagawa hot pursuit operation ang mga pulis at makalipas ang ilang minuto ay nahuli naman ang suspek na ngayon ay pansamantalang ikinustudiya sa Boracay PNP.

No comments:

Post a Comment