Posted January 30, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Handang-handa na umano ang Philippine Red Cross
Boracay-Malay Chapter sa gaganaping Nationwide Million Volunteer Run sa Pebrero
6, 2016.
Ayon kay Ronaliza Inocencio ng PRC, ang Million Volunteer
Run sa Boracay ay magsisimula sa Station 2 Nigi-Nigi, Beach Resort papunta sa
Station 1 beach area ng alas-6 ng umaga.
Sinabi pa nito na ang malilikom na kita sa kanilang
registration ay mapupunta sa libreng training, first aid, CPR at disaster
orientation sa mga komunidad sa isla.
Inanyayahan din nito ang mga gustong lumahok sa Volunteer
Run na pumunta lamang sa kanilang booth sa Dmall simula ala- 5 ng hapon
hanggang alas-8 ng gabi at sa E-Mall naman ay alas-3 ng hapon hanggang alas-7
ng gabi para sa nasabing registration.
Samantala, ayon pa kay Inocencio na ang naturang
Volunteer Run ay hindi umano competitive run o fun run sapagkat ito ay isang
humanitarian run.
No comments:
Post a Comment