Thursday, October 08, 2015

Pumping station ng TIEZA sa Bulabog hindi pa tiyak ang operasyon

Posted October 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for drainage systemHindi pa umano tiyak kung kailan magbubukas ang bagong gawang pumping station ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa Bulabog, Boracay.

Ito’y matapos umanong magkaroon ng problema ang drainage system ng TIEZA papunta sa nasabing pumping station dahil sa nadiskobreng mga illegal na linya mula sa mga bahay at estabalisyemento na papuntang drainage.

Ayon kay Head Engineer Azur Gelito ng Boracay Redevelopment Task Force, hindi agad-agad magbubukas ang nasabing pumping station dahil sa mga pasaway na illegal na nag to-top sa drainage ng kanilang mga dumi.

Samantala, kahapon ay nagsagawa sila ng meeting kasama ang TIEZA official’s para hanapan ng solusyon ang naturang problema.

Nabatid na ngayong alas-dos ay muling nakatakdang makipaharap si Gelito sa TIEZA para sa final solution matapos ang kanilang ginawang working plan.

Sa ngayon nararanasan parin ang pagbaha sa ilang area sa isla ng Boracay dahil sa hindi naayos na mga drainage system.

No comments:

Post a Comment