Thursday, October 08, 2015

Apat na Therapist sa Boracay, ninakawan

Posted October 8, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ninakawanApat na Therapist ang ninakawan ng hindi nakilalang suspek sa Sitio Bulabog Brgy. Balabag, Malay, Aklan kagabi.

Ayon sa report ng Boracay PNP, habang natutulog umano ang mga biktima sa kanilang compound ay hindi nila namalayang nilooban na pala sila ng magnanakw at tinangay ang kanilang personal na gamit katulad ng dalawang cellphone, tablet at perang nagkakahalaga ng P7,000 pesos.

Nabatid sa report, na merong naiwang bakas ng paa sa lamesa at sinasabi rin ng boy ng compound na meron umanong naghahanap ng boarding house na lalaki ng maganap ang nakawan. 
       
Sa ngayon patuloy ang ginagawang embistigasyon ng mga pulis hinggil sa nangyaring insidente.

No comments:

Post a Comment