Posted October 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang ipatawag sa Sangguniang Bayan ng Malay ang
mga nagrereklamong residente at business establishment owner sa Boracay laban
sa operasyon ng mga private helipad sa isla.
Sa 35th Regular Session ngayong Martes, sinabi
ni SB Member Rowen Aguirre na kailangang ipatawag nalang sa Session ang mga
nagpadala ng petition letter laban sa dalawang private helipad na nag-ooperate
sa isla para pormal na kunin ang kanilang panig.
Nabatid kasi na lumilikha parin ng matinding ingay ang
naturang mga helicopter sa oras na ipinagbabawal silang mag-operate.
Matatandaang dalawang kumpanya ng helicopter sa Boracay
ang ipinatawag nitong nakaraang linggo sa Session ng Malay dahil sa reklamo ng
mga residente sa maingay na operasyon nito lalo na tuwing umaga na paikot-ikot
lamang loob ng isla.
No comments:
Post a Comment