Posted October 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi pa ngayon nakakabalik sa kanilang operasyon ang
DATEM Construction Corp. sa ginagawang NewCoast sa Yapak Boracay.
Ito’y matapos ipahinto ang kanilang construction ng
Engineering Office ng Malay mahigit isang linggo na ang nakakaraan dahil sa
nangyaring landslide na ikinamatay ng dalawang trabahador na natabunan ng lupa
sa ginagawang building.
Ayon kay Head Engineer Azur Gelito ng Boracay
Redevelopment Task Force, hindi pa umano nakakapag-sumite ng clearance ang
DATEM mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) na kanilang hinihingi.
Samantala, nilinaw naman ni Azur na wala silang report na
nakuha sa DATEM kung umabot sa lima ang namatay sa nasabing insidente taliwas
sa kumakalat na balita.
Sinabi nito na dalawa lamang ang napaulat na namatay
taliwas sa sinasabing report dahil ito din umano ang lumalabas sa ginawang
embistigasyon ng mga pulis.
Napag-alaman na ang mga biktima ay tauhan ng Datem
Construction Corp. na contractor ng Mega world na nagde-develop ng NewCoast
Boracay.
No comments:
Post a Comment