Tuesday, October 06, 2015

Force multipliers sa Boracay naghahanda na para sa pagpasok ng peak season

Posted October 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for seguridad sa BoracayBilang paghahanda sa pagpasok ng peak season sa Boracay puspusan na rin ngayon ang ginagawang paghahanda sa pagpapaigting ng seguridid ng mga Law enforcers sa isla.

Ayon kay BTAC OIC PSI Fidel Gentallan nakipagtulungan umano sila sa Boracay Action Group sa pamumuno ni Adviser/Consultant Commodore Leonard Tirol.

Dito napag-usapan ang pagtatalaga ng mga Law multipliers sa ibang area ng Boracay katulad ng back beach kung saan isa ito sa itinuturing na daanan ng mga taong may mga masasamang balak sa isla ng Boracay.

Sinabi pa ni Gentallan na ang ang kanilang ginawang Emergency Conference on Integrated Area Deployment Plan of Personnel sa Boracay ay dahil na rin sa nanyaring pagpatay sa mga Lumad sa Samal Region.

Samantala, dumalo naman sa nasabing pagpupulong si Aklan PPO OIC PSupt Iver Apellido, Police Chief Inspector Reynante Jomucan ng Malay PNP, Lt. Col Ariel Reyes ng 12IB Phil Army, Police Inspector Andree Gleen Mangubat ng PNP Maritime Group, PCG personnel at iba pang officers.

No comments:

Post a Comment