Wednesday, October 07, 2015

Kidnap for Ransom Prevention Lecture, isasagawa ng PNP Anti-Kidnapping Group sa Boracay

Posted October 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo Credit Boracay PNP
Nakatakdang magsagawa ng Kidnap for Ransom Prevention Lecture ang PNP Anti-Kidnapping Group, Visayas Field Unit katuwang ang Local Government Unit ng Malay sa Boarcay.

Ito ay para bigyang kaalaman ang mga hotel sa Boracay tungkol sa nasabing lecture at ang kanilang magiging papel sa komunidad tungkol dito.

Dahil dito nagsimula ng mag-ikot sa mga hotel si SP01 Christopher Mendoza ng Boracay PNP para ipagbigay alam sa mga establisyemento sa isla ang kahalagahan ng nasabing aktibidad ng mga kapulisan.

Samantala ang nasabing lecture ay nakatakdang isagawa sa Oktobre 14 ng alas-dos ng hapon sa Eurotel-Boracay station 2.

No comments:

Post a Comment