Posted October 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ayon kay Maming kumpleto na ang kanilang grupo para sa
eleksyon kung saan tatakbo si Marquez bilang Congressman habang siya naman ay
tatakbong Governador at si Loebel Mationg bilang Bise-Governador.
Sinabi nito na maging ang kanilang line-up sa Board
Member sa Eastern at Western side ng Aklan ay kumpleto na rin para sa nalalapit
na halalan.
Kaugnay nito nakakdang mag-file ng Certificate of
Candidacy (COC) ang grupo ni Marquez at Maming sa darating na Biyernes Oktobre
16.
Samantala, makakatunggali naman ni Marquez si Congressman
Teodorico Haresco at sa pagka Governor makakatunggali rin ni Maming si
Florencio Miraflores at si Mationg ay si Vice-Governor Billie Calizo-Quimpo.
No comments:
Post a Comment