Tuesday, October 06, 2015

Debate para sa local candidates planong isagawa ng COMELEC

Posted October 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for COMELEC debatesPinagpaplanuhan na rin ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng debates para sa mga local candidates ng May 9, 2016 elections.

Ito ang nakatakdang ipatupad ng Comelec National Office sa pamumuno ni Chairman Andres Bautista na siyang nais itong ipatupad sa malaking lugar para maihayag ng mga kandidato ang kanilang plataporma.

Ayon naman kay Malay Comelec Officer Elma Cahilig sakali umanong maaprobahan na ang pagpapatupad nito ay balak din nila itong gawin sa bayan ng Malay katuwang ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Sinabi nito na sakaling matuloy ito ay nakatakda itong isagawa bago ang halalan sa Mayo 9, 2016.                                                                
                                                                        
Samantala, nauna ng inaprobahan ng Comelec ang Presidential at Vice-Presidential debates sa sususod na taon.

No comments:

Post a Comment