Posted October 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Halos kumpleto na umano ang bagong gawang Kalibo-Numancia
Bridge base sa Department of Public Works and Hi-Ways (DPWH) Aklan.
Ayon kay DPWH Aklan District Engr. Noel Fuentebella,
bagamat tapos na ang construction nito ay kailangan pa nilang
makipag-negosasyon sa mga may-ari ng building at mga bahay malapit sa tulay na
maaapektuhan ng bagong ruta ng kalsada.
Kabilang umano sa kanilang kailangang pag-usapan ay
pagkakasundo sa presyo na inilabas ng Provincial Government ng Aklan.
Nabatid na isang malaking building ang nakatakdang
tanggalin sa area bago ang tulay para sa pagsasaayos ng bagong kalsada habang
sa bahagi ng Numancia ay tatlong bahay ang kailangang matanggal.
Samantala, tinatayang umabot sa P370 million ang ginastos
para sa pagpapagawa ng 2-Lane Bridge kung saan nilagyan din ito ng sidewalks,
baluster at railings.
No comments:
Post a Comment