Wednesday, October 07, 2015

Lalaki walang habas na pinagtataga ng kainuman sa Boracay

Posted October 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for tinaga at sinaksakSugat sa dalawang kamay ulo at ibang parti ng kanyang katawan ang tinamo ng isang 41-anyos na lalaki sa Boracay matapos na pagtatagain ng kanyang kainuman.

Sa report ng Boracay PNP, nakilala ang biktimang si Randy Recaforte ng Cajilo, Makato, Aklan at nag-tratrabaho bilang isang driver ng hauling sa isla.

Nabatid sa report na nakikipag-inuman ang biktima kasama ang suspek na si Ludy Gonggay 38-anyos ng Elnido, Palawan at pansamantalang nakatira sa Sitio. Tambisaan Manoc-manoc Boracay ng biglang nagkaroon ng mainit na argumento sa pagitan ng dalawa.

Dahil dito tumayo ang biktima para iwasan ang suspek ngunit hinarang umano ang kanyang daraan ng huli at walang karason-rason ay pinagtataga siya nito sa dalawang kamay at sa ulo gamit ang isang patalim.

Agad namang naisugod ang biktima ng mga rumesponding pulis sa isang pagamutan ngunit kalaunan ay mas minabuting dalhin nalang ito sa ospital sa bayan ng Kalibo para sa agarang pagpapagamot.

Sa kabilang banda agad namang tumakas ang suspek matapos ang insidente ngunit mabilis din itong na-corner ng mga otoridad at ngayon ay nakakulong na sa Boracay PNP Station.

No comments:

Post a Comment