Wednesday, October 07, 2015

ATV Operators sa Boracay, ipapatawag sa Committee hearing ng SB Malay

Posted October 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for ATV sa BoracayTila nababahala ngayon ang Sangguniang Bayan ng Malay sa operasyon ng mga All-Terrain Vehicle (ATV) sa isla ng Boracay.

Ayon kay SB Member Frolibar Bautista, delikado umano kasi ang lugar kung saan ginagawa ang activity dahil sa bulubundukin ang area at walang railings ang mga daanan na posibleng ikahulog sa bangin ng hindi kabisado ang pagmamaneho.

Maliban dito sira-sira na umano ang ilang ATV ngunit pinapagamit parin ito sa mga turista kahit na delikado para sa kaligtasan ng kanilang customer.

Samantala, nakatakda namang magsagawa ng inspeksyon ang Sangguniang Bayan ng Malay kasama ang Municipal Transportation at Licensing Office sa lahat ng ATV sa Boracay.

Kaugnay nito sinabi naman ni SB member Rowen Aguirre na kailangan ding ipatawag sa committee hearing ang mga operators nito para na rin sa safety ng mga turista.

Ang ATV ay isa sa pangunahing island activity sa Boracay na ginagawa sa Bolabog road papuntang Mt. Luho sa mataas na bahaging lugar ng isla.

No comments:

Post a Comment