Tuesday, October 06, 2015

Mga law enforcers sa Boracay magpapatrolya na rin sa Bolabog Beach

Posted October 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante,YES FM Boracay

Hindi lang umano ngayong magpo-pokus sa front beach at sa ibang pangunahing lugar sa isla ang atensyon ng mga law enforcers sa Boracay.

Ito ang napag-usapan sa ginanap na dialogue nitong linggo sa isang resort sa back beach Boracay kasama ang ilang miyembro ng Bolabog Beach Community.

Sa pangunguna ni Adviser/Consultant Com Leonard Tirol ng Boracay Action Group nagpatawag ito ng meeting para sa ikakasang seguridad sa nasabing lugar.

Kasama naman sa mga dumalo rito si BTAC OIC PSI Fidel Genatallan, Police Inspector Andre Glenn Mangubat at SPO2 Caporal ng Maritime Group, Mike Labataio ng Boracay Life Guard at Philippine Coast Guard Boracay.

Dito napag-usapan ang paglatag at ang planong paglalagay ng mga nag-pagpapatrolyang law enforcers sa Bolabog beach lalo na sa oras ng gabi.

Nabatid na ang nasabing beach ay isa sa mga mataong lugar sa Boracay dahil sa pagkakaroon ng mga water sports activity, bar, boardinghouse at mga kabahayan.

Samantala, layon umano ng nasabing pagpupulong ay maprotektahan ang security at community members sa lugar.

No comments:

Post a Comment