Tuesday, October 06, 2015

Aklan PPO, todo alerto sa muling pagsalakay ng budol-budol gang

Posted October 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tulad ng nakasanayan muling naka-alerto ang Aklan Provincial Police Office (APPO) laban sa pagsilabasan ng Budol-Budol Gang sa probinsya.

Katunayang nitong nakaraang linggo isang 81-anyos na ginang ang nabiktima sa bayan ng Kalibo matapos na mag-widraw ng pera sa isang bangko sa nasabing bayan.

Ayonkay Public Information Officer P03 Nida Gregas, paboritong biktimahin ng nasabing grupo ang mga senior citizen na mula sa bangko at simbahan ngayong “Ber” months.

Dahil dito pinaalalahan ni Gregas ang publiko na huwag basta bastang maniniwala sa hindi kakilala lalo na ang mga senior citizen na umaalis mag-isa.

Ang APPO at mga municipal police sa lalawigan ay todo alerto na rin sa muling pagsalakay ng mga may modus-operandi ngayong nanalapit na Holiday Season.

No comments:

Post a Comment