Thursday, October 08, 2015

Barge at Tugboat huli sa ginagawang illegal docking sa Boracay

Posted October 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for illegal docking of boatNahuli sa akto ng mga otoridad ang ginagawang illegal docking ng isang barge at tugboat sa isla ng Boracay kahapon ng alas-3 ng hapon.

Sa ginawang pagpapatrolya ng Maritime Police, Philippine Coastguard, Boracay PNP at Bantay Dagat nahuli ang dalawang sasakyan na nagbababa ng buhangin at semento na may bigat na tinatayang 8, 000 cubic meters sa Sitio Lapuz-Lapuz, Brgy. Balabag isla ng Boracay.

Dito hinuli ng mga otoridad ang operator ng dalawang sasakyan at pinagmulta sa ginawang paglabag kasama sa na ang pag-isyu ng citation ticket No 2553 sa paglabag sa violation of Provincial Ordinance No. 05-032.

Napag-alaman na ang private port kung saan dumaong ang naturang barge at tugboat ay pagmamay-ari ng isang kilalang resort sa Boracay.

Nabatid na mahigpit na ipinigbabawal ng Provincial Government ng Aklan at ng LGU Malay ang pagdaong ng anumang uri ng sasakyang pandagat sa coastal area ng Boracay kung wala itong permit sa mga kinauukulan.

No comments:

Post a Comment