Thursday, October 08, 2015

Kauna-unahang Miss Earth -Malay 2015 susuyurin para maging Ambassador for Environment

Posted October 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Magbubukas para sa mga naggagandang dilag sa Malay ang kauna-unahang Miss Earth -Malay 2015 ngayong darating na Disyembre.

17 kandidata ang maglalaban-laban para tanghaling kuna-unahang Miss Earth-Malay 2015 at magiging Ambassador for the Malay Environment.

Ayon kay EMS Administrative Assistant Adel Lumagod ang mga sasaling kandidata rito ay sasabak umano sa dalawang araw na workshop para ma-hasa ang kanilang confidence.

Inaasahan din umano na ang magiging coach sa mga kandidata ay si Jona Ili Sweett Miss Eco Tourism ng Miss Philippines Earth 2015.

Samantala, ang Boracay Foundation Incorporated (BFI) ay isa rin sa katuwang ng LGU Malay sa prestihiyusong patimpalak na gaganapin sa buwan ng Disyembre ngayong taon.

No comments:

Post a Comment