Posted October 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa pangangalaga parin ngayon ng isang pagamutan sa
bayan ng Kalibo ang isang Korean National na muntikan ng malunod kahapon sa isla
ng Boracay.
Ayon kay Acting Station Commander Lt. Michael Andang ng
Philippine Coastguard Caticlan Sub-Office, nangyari umano ang insidente kahapon
ng hapon sa station 3 Boracay.
Sinabi nito na kakatapos lamang mag-island hopping ng
biktima na kinilalang si Lee Joo Yeon 32-anyos sa pamamagitan ng snorkeling
activities ng mapansin ng isang crew ng bangka na nakadapa na ito sa tubig at
hindi siya iniimik habang tinatawag.
Dahil dito mabilis na humingi ng tulong ang naturang crew
sa naka-duty na Coastguard personnel sa lugar at agad na nilapatan ng paunang
lunas bago dinala sa pinakamalapit na pagamutan.
Matapos umano nito ay mas minabuti nalang na dalhin agad
sa bayan ng Kalibo ang biktima para sa agarang pagpapagamot matapos ang
muntikang pagkalunod.
No comments:
Post a Comment