Tuesday, October 06, 2015

Provincial Population and Gender Office hindi kampante sa pagbaba ng teenage pregnancy

Posted October 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for teenage pregnancyHindi umano kampante ang Aklan Provincial Population and Gender Office (APPGO) sa pagbaba sa bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis sa lalawigan.

Base sa 2014 report ng APPGO lumalabas na naitala ang high incidence ng adolescent at youth pregnancies mula 2010-2014 na may average na 5,021 kada taon.

Nabatid na mula naman sa pinakamataas na total na 5,984 pregnancies noong 2010, bumaba naman ang numero sa 4,817 nitong 2014 ngunit hindi parin kampante rito ang AKPPGO para kunin ang atensyon ng mga kabataan at mga magulang.

Kaugnay nito napag-alaman na ang bayan ng Malay sa Aklan ay may pinakamataas na kaso ng teenage pregnancy kung saan umaabot sa dalawang daan ang naitatala bawat taon.

No comments:

Post a Comment