Wednesday, March 25, 2015

Yellow Submarine nakatakdang inspeksyonin sa Boracay

Posted March 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for yellow submarine boracayNakatakda umanong inspeksyonin sa Boracay ang Yellow Submarine na gustong mag-operate sa tanyag na isla sa buong mundo.

Ayon kay SB Member at Chairman ng Committee on Tourism Jupiter Gallenero, pupunta umano ang nasabing submarine sa Boracay para sumailalim sa inspeksyon bago sila magdesisyon kung ito ba ay papayagan nilang mag-operate sa isla.

Tiniyak din nito na kung sakaling maaprobahan nila ito ay hindi naman umano ito makaka-apekto sa mga korales sa karagatan ng Boracay.

Aniya, tatakbo lamang ito ng mabagal at aatras pabalik sa isang area kung saan lulutang din umano ito sakaling may korales na madadaanan.

Sinabi pa nito na kung maranasan naman ang Habagat Season sa front beach ng isla ay ililipat din umano ito sa back beach sa Bolabog.

Nabatid na nauna nang inaprobahan ng Konseho ang Letter of Intent ng presidente ng Submarino kung saan agad namang sinuri ni Life Guard Commander Mike Labatiao ang area na posibleng paglalagyan ng Yellow Submarine.

Ang nasabing Submarino ay mag-ooperate umano sa Boracay para sa mga turista na gustong subukang sumakay sa totoong Yellow Submarine.

No comments:

Post a Comment