Thursday, March 26, 2015

Manoc-manoc cargo area, sabay na tututukan ng BTAC at PCG sa Holy Week

Posted March 26, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Abala na ngayon ang mga kapulisan sa isla para sa nalalapit na APEC Ministerial sa buwan ng Mayo.

Subali’t hindi lamang ang seguridad para sa APEC o Asia-Pacific Economic Cooperation ang tinututukan ngayon ng mga law enforcers sa isla kungdi ang seguridad ng mga turista para sa Holy Week.

Kaugnay nito, nakipagpulong na rin umano sila sa mga force multipliers upang palakasin ang kanilang civilian intelligence.

Magugunitang sinabi din ni Boracay PNP OIC P/SInps.Frensy Andrade na pagtutulungan nila ng PCG o Philippine Coastguard na tututukan ang Manoc-manoc cargo area.

Ayon pa kay Andrade, tiniyak naman ng PCG ang pagdi-deploy ng tao at ang pagmonitor sa biyahe ng bangka doon.

Nabatid na sinimulan narin ngayon ng Boracay PNP ang pagkampanya tungkol sa Safety Tips for Holy Week at Summer Vacation kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga turista sa susunod na Linggo.

No comments:

Post a Comment