Monday, March 23, 2015

Magandang pasilidad para sa Kalibo International airport tiniyak ng CAAP

Posted March 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay patuloy na namumuhunan sa airport infrastructure sa Kalibo International Airport (KIA).

Ito’y para mapagkalooban ng maayos na serbisyo at magandang pasilidad ang nasabing paliparan para sa mga pasahero. 

Ayon naman kay CAAP Kalibo airport manager Martin Terre, ang patuloy umanong construction ng terminal building na inaasahang matatapos ito ngayong katapusan ng buwan ng Marso ay para makapag- accommodate ng domestic passengers.

Sinabi pa nito na gagamitin muna ng international flights ang umiiral na katabing terminal building ng KIA habang hindi pa maayos at kompleto ang terminal building para sa domestic flights.

Sa ngayon umano ay nagsisimula na ang pag-overlay ng aspalto sa nasabing paliparan para sa construction period na dalawang buwan.

Samantala ang Kalibo International Airport ay humahawak ng mga International flights mula sa Malaysia, Singapore, Taiwan at South Korea at domestic flights na Manila at Cebu.

No comments:

Post a Comment