Posted March 27, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kung ramdam ngayon ng mga malalaking
establisyemento sa Boracay ang pagpapatupad ng road setback sa isla.
Aminado naman ngayon ang ilang mga Boracaycon na
sakit sa ulo ang nasabing kautusan kahit na malaki din umano ang maitutulong sa
pagpapaunlad ng isla.
Ayon kasi sa isang residente sa Barangay Bolabog,
Balabag, Boracay, maliban sa magdadag umano ito ng gastos sa kanila ay masisira
din ang kanilang bahay.
Hindi lamang sa gastos kungdi abala din umano ito
dahil kailangan muli nilang ipaayos ang kanilang masisirang propiedad.
Samantala, nabatid na nakipagdayalogo na ang LGU
Malay sa mga establisemyentong apektado ng road easement.
Hinihimok din nito ang lahat na makipagtulungan at
tumungo sa tanggapan ng Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) para sa legal
na hakbang.
Kaugnay nito, may mga kusa na ring nag-demolish ng
kanilang istrakturang tatamaan ng road easement sa isla na kinumpirma naman ng
ilang opisyal ng LGU Malay.
Magugunita na ang pagpapatupad ng Municipal
Ordinance No. 2000-131 ng Malay ay nag-uutos ng anim na metrong road set back
mula sa sentro o gitna ng kalsada sa anumang temporary o permanent structures.
No comments:
Post a Comment