Wednesday, March 25, 2015

PCG, handa na sa pagdagsa ng mga turista ngayong Semana Santa

Posted March 24, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Naghahanda na ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa inaasahang pagdagsa ng mga turistang paalis at papuntang Boracay ngayong Semana Santa.

Ayon kay PCG Master at Arms Chief Petty Officer Arnel Sulla, magkakaroon umano sila ng mga response team sa Cagban at Caticlan Jetty Port, gayundin ang paglalagay ng medical personnel at hotline para sa mga pasahero.

Ipapakalat din umano ang mga K-9 unit, emergency response team at help desk sa nasabing mga pantalan.

Maliban dito, masusi din ang kanilang isinasagawang pagmonitor sa operasyon ng mga RORO sa Caticlan.

Samantala, ipinaalala din ni Sulla ang mahigpit na implementasyon ng pagsusuot ng life jacket sa lahat ng mga pasaherong sakay ng mga bangkang may open hose deck.

Ipapatupad din anya ang tamang bilang ng mga pasaherong sasakay ng mga bangkang bumibyahe sa isla, para maiwasan ang over loading.

Payo pa nito sa mga turistang magbabakasyon sa isla ng Boracay, magpa book ng maaga upang maiwasan ang mabagot sa pagpila ng matagal sa port.

Mas makabubuti din umanong huwag nang ipilit pa ng mga pasaherong sumakay ng barko, kapag puno na ang mga ito.

No comments:

Post a Comment