Tuesday, March 24, 2015

Police visibility tuwing gabi, pinaigting pa ng BTAC

Posted March 23, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for police visibility in boracayMas pinaigting pa ngayon ng Boracay PNP Station ang kanilang police visibility lalo na kapag gabi.

Ito’y upang mabawasan at tuluyan nang masugpo ang krimenalidad sa isla ng Boracay.

Ayon kay BTAC Deputy Chief Police S/Insp.Fidel Gentallan, kasama na rin umano sa mga tinututukan nila dito ang pagkalat ng mga menor de edad na maaring masangkot sa maliliit na krimen.

Katunayan, sa ngayon anya ay mayroon na ring inihahandang mga hakbang si BTAC OIC Police S/Insp. Frensy Andrade para mahigpit na matutukan ang seguridad lalo na sa front beach ng Boracay.

Samantala, nabatid naman na nagpatupad ng polisiya ang Aklan Police Provincial Office (APPO) na hanggat maaari, rumesponde ang pulisya sa nagaganap na krimen ng nasa two-minute to five minute time limit.

No comments:

Post a Comment