Wednesday, March 25, 2015

Kotse sa Nabas, Aklan, nabangga ng truck

Posted March 24, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang kotse sa Nabas, Aklan ang napaulat na naaksidente kaninang umaga.

Kinumpirma ng Nabas PNP ang insidente na nangyari sa Barangay Habana, sa bayan ng Nabas.

Sa inisyal na report, nawalan ng kontrol ang Hyundai na kotse sa pababang bahagi ng lugar at aksidente namang nabangga ng isang Mitsubishi truck.

Papunta sana ng Kalibo ang kotse nang mabangga umano ito sa likurang bahagi.

Samantala, wala namang napaulat na nasugatan sa insidente.

No comments:

Post a Comment