Wednesday, March 25, 2015

Reclamation Project sa Caticlan Jetty Port gagawin umanong Unloading area

Posted March 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Maaari umanong gawing unloading area ang reclamation project sa Caticlan Jetty Port ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Jetty Port Administration.

Aniya, nagkaroon umano ng pag-uusap ang engineering office ng Caticlan Jetty Port patungkol dito kung saan isa sa kanilang plano ay gawin itong unloading area ng mga bangka mula sa isla ng Boracay at ang existing port umano ang magiging loading area.

Nabatid na matapos aprobahan ng Supreme Court ang Reclamation Project sa Caticlan Jetty Port ay sinimulan na rin dito ang pagtatambak ng lupa kasama na ang pagsasaayos ng sea wall.

Napag-alaman na ang Reclamation Project ay may sukat na 2.6 hectares na proyekto ng Provincial Government ng Aklan na matagal ding nakabinbin sa Korte Suprema bago naaprobahan.

Samantala, maraming plano ang nakatakdang ipatupad ng Probinsya sa nasabing pantalan dahil sa patuloy na paglago ng turismo sa Boracay kasama na ang Cruise Tour sa isla.

No comments:

Post a Comment