Thursday, March 26, 2015

Estonian National, nasalisihan ng magnanakaw sa Boracay

Posted March 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for snatchingLabis-labis ang panghihinyang ng isang Estonian National matapos na matangay ng magnanakaw ang kanyang bag sa D’Mall Boracay nitong Lunes ng umaga.

Sumbong ng biktimang si Annely Uukkive, 25-anyos sa Boracay PNP.

May lumapit umano sa kanyang lalaki para magtanong ng oras ngunit ng kunin umano nito ang kanyang cellphone sa loob ng bag ay may bigla nalang humablot ng kanyang bag at tumakbo patungong mainroad area.

Tinagka naman umano nitong habulin ang suspek ngunit hindi niya ito naabutan dahil sa sobrang bilis ng pagtakbo.

Sinabi pa ng biktima sa Boracay PNP na naglalaman umano ang kanyang bag ng isang mamahaling camera, isang lense, memory card at extra filters.

Sinabi naman nito na hindi agad niya na ireport ang nasabing insidente dahil sa sobrang galit kung kayat agad nalang umano siyang bumalik sa kanyang tinutuluyan.

No comments:

Post a Comment