Posted March 21, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Naghahanda na ngayon ang Boracay PNP Station na
makipagdayologo sa mga contractors and builders sa Boracay.
Ito’y kaugnay sa mga construction workers sa isla
na karaniwang nasasangkot sa iba’t-ibang mga krimen at tila naging suki na ng
blotter report ng mga pulis.
Ayon kay Boracay PNP OIC PSInsp. Frensy Andrade, kailangang
may polisiya ang mga contractors at builders para sa kanilang mga trabahador,
lalo na sa mga lumalabas sa kanilang barracks sa gabi at nakikipag-inuman na
kadalasang nauuwi sa kriminalidad.
Anya, mahigpit nila ngayon na tinututukan ang
isyung ito sapagkat isa ang Boracay sa mga dinadagsa ng mga turista lalo na’t
papalapit na ang bakasyon o summer.
Kasabay nito, muling pinayuhan ni Andrade ang mga
construction workers na itabi ang kanilang kita para sa kanilang pamilya sa
halip na ubusin lamang sa alak.
Samantala, base sa pagtala ng Boracay PNP Station
karaniwang nasasangkot ang ilang mga construction workers sa mga kaso ng pagnanakaw,
pambubugbog, pananaksak at alarming scandal.
No comments:
Post a Comment