Wednesday, March 25, 2015

Deutsch national na umano’y ninakawan ng mahigit 20 mil pesos, nahuling nagsisinungaling

Posted March 25, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for false allegationsMasusi na ngayon ang isinasagawang mga imbestigasyon ng mga taga Boracay PNP Station.

Ito’y matapos na isa na namang foreigner ang nahuling nagsisinungaling sa mga pulis na umano’y ninakawan ng nasa mahigit 20 mil pesos na pera.

Sumbong kasi ng turistang si Benny Stefanski, 29 anyos, isang Deutsch national.

Dumating umano ito sa kanyang inuupahang apartment sa Balabag Boracay na bukas na ang pinto at sira ang lock nito.

Sa kanyang pagsusuri, dito nya umano nalaman na nawawala na ang kanyang laptop, passport, credit at visa card, 1000 US Dollars at 20 mil pesos na cash.

Subalit, sa isinagawa namang follow-up investigation ng mga pulis, lumalabas na palabas lamang ang ini-report ng turista at ito’y upang makakuha lamang ng insurance certificate mula sa mga pulis.

Base din kasi sa naging pahayag ng may-ari ng tindahan sa harapan ng nasabing apartment, nakita ng mga ito na iniwang bukas ng turista ang kanyang kwarto at hindi naman ni-lock.

Taliwas sa naging pahayag nito sa mga pulis na sinira ang lock ng kanyang pintuan.

Kaya naman, ayon sa imbestigador ng kaso, isang malinaw na “false allegation” ang ini-report ng turista.

No comments:

Post a Comment