Tuesday, March 24, 2015

Road Beautification sa Aklan, nagpapatuloy parin para sa APEC Summit sa Boracay

Posted March 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for road beautificationPatuloy parin umano ang ginagawang road beautification project ng Provincial Government ng Aklan bilang paghahanda sa APEC Ministerial meeting sa Boracay ngayong Mayo.

Ayon kay Mars Bernabe ng Governors Office, nagpatawag umano sila ng meeting na kinabibilangan ng mga punong Brgy. na kasama sa road beatification project.

Nagbigay din umano sila ng sampung libong piso sa bawat Brgy. Captain para sa pagpapaganda ng kanilang kalsada mula sa Kalibo International Airport hanggang sa Brgy. Caticlan sa bayan ng Malay.

Samantala, nais umano ng probinsya na maging maganda at malinis ang madadaan ng mga delegado ng APEC Summit Ministerial meeting sa Boracay ngayong Mayo.

No comments:

Post a Comment