Monday, March 23, 2015

Lalaki sa Altavas, Aklan, sugatan matapos maaksidente sa motorsiklo

Posted March 21, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for police blotterSugatan ang isang lalaki sa Altavas, Aklan matapos maaksidente sa motorsiklo.

Ayon kay PSInsp.Evangelyn Ufano ng Altavas PNP Station, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ng motorsiklo ang biktimang si Jenefrey Abello, 33 anyos, ng Tibiao, Altavas, Aklan.

Lasing umano kasi ito at mabilis pa ang pagpapatakbo ng motorsiklo patungong Man-up, Altavas kung saan nangyari ang insidente.

Samantala, kaagad isinugod sa Altavas District Hospital ang biktima, subali’t inilipat sa Aklan Provincial Hospital dahil sa tindi ng pinsalang tinamo niya sa katawan.

No comments:

Post a Comment