Thursday, March 26, 2015

7 Seas Voyager dadaong sa Boracay ngayong Holy Thursday

Posted March 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for 7 seas voyagerNgayong Holy Thursday, Abril 2 nakatakdang dumaong sa isla ng Boracay ang Cruiship na 7 Seas Voyager.

Hawak ng Sharp Philippines ang tour nito sa Pilipinas, kung saan tinatayang may sakay itong 700 passengers kasama na ang crew.

Ayon kay Special Operations Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, halo-halo umano ang mga sakay nitong pasahero mula sa ibat-ibang bansa para sa tour nito sa Boracay ngayong Holy Week.

Sinabi pa ni Pontero na dahil sa first time dadaong sa Boracay ang naturang barko magkakaroon umano ng maiden call ang Aklan Provincial Government at Department of Tourism (DOT) sa pagitan ng kapitan ng barko para dito.

Samantala, isang meeting ang nakatakdang ipatawag ng Jetty Port Administration ngayong Martes para paghandaan ang pagdating ng naturang barko sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment