Tuesday, March 24, 2015

Boracay, inaasahang magiging abala na naman para sa Holy Week

Posted March 24, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for semana santaMagsisimula na ang Holy Week o ‘Semana Santa’ sa darating na Linggo.

Kaugnay nito, inaasahang magiging abala na naman ang isla ng Boracay hindi lamang sa pagdagsa ng mga bakasyunista kungdi sa mga aktibidad ng Simbahang Katolika sa isla.

Nakalatag narin kasi ang mga schedule of activities ng HRP Boracay na tiyak namang tututukan din ng mga law enforcers katulad ng Philippine National Police at Municipal Auxiliary Police.

Isa na nga rito ang gaganaping ‘Palaspas’ o Blessing of Palms sa Linggo na siyang hudyat sa pagsisimula ng ‘Semana Santa’.

Base sa iskedyul, mauuna ang blessing of palms at misa sa Yapak sa 6:00 ng umaga, habang alas 6:30 sa umaga, alas 4:00 at alas 5:30 ng hapon naman sa Balabag.

Magandang balita naman sa mga taga Manoc-manoc na hindi makakadalo sa aktibidad, dahil may blessing of palms at misa din doon sa alas 8:30 ng umaga.

Samantala, isa din sa nakaugaliang tutukan ng mga law enforcers at force multipliers ang Live Station of the Cross sa araw ng Biyernes o Good Friday.

Maaari din kasi itong ikamangha ng mga ‘first timer’ na turista dahil dadaan ito sa long beach ng Boracay mula sa Barangay Manoc-manoc papuntang Balabag sa alas 6:00 ng umaga.

Maliban sa mga nabanggit na aktibidad, ipinaskil na rin ng HRP ang iba pang schedule of activities sa Holy Week sa simbahan para na rin sa kaalaman ng mga turista at bakasyunistang Katoliko.

No comments:

Post a Comment