Thursday, March 26, 2015

BTAC, naka-heightened alert sa Semana Santa

Posted March 25, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Simula sa Biyernes ay ilalagay na sa heightened alert status ang Boracay PNP Station bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa.

Sakop ng alerto ang lahat ng opisyal at personnel ng iba’t ibang unit ng BTAC.

Ayon kay Chief Admin. P/Insp. Alfonso Manoba, Jr. ng BTAC Human Resource and Doctrine Development.

Mahigpit nilang babantayan ang lahat ng mga pasaherong sasakay sa mga bangka, checkpoint sa pangunahing kalsada at front beach ng isla.

Bahagi din umano ng kanilang paghahanda sa seguridad kaugnay sa paggunita ng Semana Santa ang manatiling nakaalerto laban sa mga banta ng karahasan.

Samantala, makikipagtulungan din umano ang BTAC sa iba pang mga ahensya at magpapakalat ng mga police marshals.

Inaasahan namang  magsisimula ang dagsa ng  tao sa susunod na linggo upang  gunitain ang  Holy Week kasama ng kanilang mga pamilya.

No comments:

Post a Comment