Wednesday, March 01, 2017

Baril ng sekyu sa Boracay, pumutok; turista aksidenteng, natamaan

Posted March 1, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for bala
Isang baril ng security guard ang umano’y pumutok at aksidenteng natamaan ang turistang guest sa isang hotel sa Station 1. Brgy, Balabag, Boracay.

Kinilala ang biktima na si Sara Lian Elis, 31- anyos, isang foreign national at temporaryong nanunuluyan sa isang resort sa nasabing lugar.

Ayon sa salaysay ng biktima, habang naghihintay sila ng kanilang masasakyan sa lobby ng tinutuluyang resort bigla na lamang silang nakarinig ng putok ng baril kung saan naramdaman na lamang ni Elis na tinamaan na umano pala siya sa kanyang kanang bukong- bukong.

Agad namang ni-respondihan ng mga pulis ang nasabing pangyayari.

No comments:

Post a Comment