Thursday, March 02, 2017

Sunog sumiklab sa New Washington,Aklan

Posted March 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for sunogSinalubong agad ng sunog ang unang araw ng Fire Prevention Month ng Bureau of Fire Protection (BFP), makaraang tupukin ng apoy ang isang bahay sa Brgy., Tambak, New Washington, Aklan.

Sa panayam kay Fire Officer 1 John Irvin Prado ng New Washington-BFP, dakong alas 8:40 ng umaga umano nang makatanggap sila ng tawag na nasusunog ang bahay na pagmamay-ari ng mag-asawaang Agapito at Novilita Valencia.

Aniya, malaki na ang apoy ng kanila itong nirespondihan kung saan agad nila itong pinagtulungan na maapula para hindi na kumalat at madamay ang mga katabing bahay.

Nabatid na yari sa mixed and light materials ang bahay dahilan para mabilis na kumalat ang apoy.

Dakong 9:05 ng umaga nang ideklarang fire out na tumupok ng mahigit sa P350 thousand na halaga ng ari-arian.

Sa ngayon, inaalam pa ng New Washington BFP ang sanhi ng naturang sunog. 

No comments:

Post a Comment