Wednesday, March 01, 2017

Boracay, kabilang sa “Best Beaches In The World” – Tripadvisor

Posted March 1, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for boracay
Pinangalanan na ng isang travel website ang pasok na mga sikat na beach sa buong mundo ngayong 2017.


Kabilang sa dalawampu’t limang kinilala sa buong mundo ay ang isla ng Boracay bilang isa sa mga travel’s choice ng mga reviewers at travelers.

Base sa datos ng Tripadvisor na isa sa mga nangungunang travel at bookings website sa buong mundo, nakapasok sa rank 24 ang Boracay bilang isa sa pinaka-popular na beach kung saan kilala din ito sa pagkakaroon ng kahanga-hangang sunsets at white sand na nanatiling “cool” kahit na mainit ang panahon.

Ang Tripadvisor’s Travellers Choice Awards ay ang taunang resulta galing sa mga pagsusuri ng dami at kalidad ng travel rating at feedback ng mga reviewers at travelers ng isang lugar sa loob ng 12 buwan o isang taon.

No comments:

Post a Comment