Posted March 1, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Kabilang ito sa mga nabanggit ni Commodore Leonard Tirol
ng Boracay Action Group o BAG sa panayam sa kanya ng himpilang ito.
Aniya, kailangan sa isla ng Command Center na siyang magiging
pangunahing takbuhan o tatawagan sa oras na merong mangailangan ng tulong.
Ang naturang Command Center ay kaniyang inihalintulad sa
Davao City na mayroon silang 911 hotline
number na tatawagan sa oras ng emergency.
At kung sakaling maipatupad ang naturang proyekto, isa
aniya itong magandang investment, dahil hindi na mahihirapan ang mga residente
pati na ang mga foreign tourist kapag sila ay mangailangan ng tulong.
Dagdag pa nito kailangan din aniyang maglagay ng 24/7
medical team sa oras ng pag-responde.
Ang command center ang masisilbing operation ng isla na
tatanggap ng lahat ng tawag na kinakailangang tugunan sakaling may mangyaring
insedente o emergency.
Samantala, inaayos na umano ng administrasyon ni Mayor
Ceciron Cawaling ang nasabing proyekto.
No comments:
Post a Comment