Monday, February 27, 2017

Lolo arestado sa kasong panggagahasa

Posted February 27, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for rapeKulong ang isang lolo sa kasong panggagahasa o rape sa Sitio Diniwid Brgy., Balabag, Boracay.

Kinilala ang naarestong suspek na si Carisio Seraspi y Silverio, 63-anyos at tubong ng Brgy., Canyayo, Santa Fe, Romblon.

Nahuli ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest na may Criminal Case no. 2357 na inisyu ni Jose M. Madrid, Presideng Judge, RTC, 4rth Judicial Region, Branch 82, Odiongan, Romblon.

Wala namang inilaang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Si Silverio ay naaresto sa pinagsamang pwersa ng Santa Fe Municipal Police Station Romblon at Boracay Tousrist Assistance Center (BTAC).

No comments:

Post a Comment