Monday, February 27, 2017

Korean National, muntik ng malunod sa Boracay

February 27, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for police reportMuntik na umanong malunod ang isang Korean National matapos itong mahulog sa dagat dahil sa paddle boarding sa Station 2 Brgy., Balabag, Boracay.

Sa blotter report ng Boracay PNP, napadaan umano ang isang Commisioner sa lugar nang makita nito ang biktima na kinilalang si Sung Min Kyu na nalulunod at nagsusuka na ng tubig-dagat na may halo na umanong dugo kung saan agad naman niya itong tinulungan.

Nabatid na ang biktima ay walang safety device sa kanyang katawan kung saan kinompronta umano dito ang may-ari ng paddle board at napag- alaman na hindi umano nito pinahiram sa biktima ang naturang paddle board.


Samantala, sa ngayon ay maayos na ang kalagayan ng nasabing biktima.

No comments:

Post a Comment