YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 27, 2017

Royal Carribean Cruisehip , aasahan ang pag- ooperate sa isla

Posted February 25, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for Royal Caribbean Cruise ShipAasahan ang pag- ooperate ng Cruiseship sa isla ng Boracay matapos itong kumpirmahin ng Royal Carribean Cruiseship.

Ayon sa pahayag ni Jetty Port Administrator Nieven Maquirang, ang nasabing operasyon ay dahil sa plano ng naturang barko na maging international cruise hub ang isla.

Aniya, ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Aklan provincial government at Royal Caribbean Cruises, Inc. ay nasa proseso na.

Dahil dito, maaaring makilala hindi lamang ang isla ng Boracay kundi ang mga karatig lugar din katulad na lamang ng Bayan ng Nabas, Tangalan, Buruangga at Kalibo.

Nabanggit din ni Maquirang ang mga benepisyong maaring makuha ng probinsya, at isa na dito ang karagdagang trabaho, kita at pagtangkilik ng mga produktong gawa dito.

Nabatid na ang cruiseship na ito ay may konseptong “cruise and fly” kung saan bibisita ang mga turista sa Boracay at mananatili dito ng isa hanggang dalawang araw pagkatapos ay lilipat din sa ibang lugar sa pamamagitan ng cruiseship.

Samantala, ang Royal Carribean ay isa sa mga pinakamalaking kontribyutor sa lokal na turismo pagdating sa cruiseship.

No comments:

Post a Comment