Posted February 27, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ito ngayon ang tema na nakapaloob sa bagong slogan o
campaign poster ngayong buwan ng Marso o Fire Prevention Month ng Bureau of
Fire Protection (BFP).
Sa naging pahayag ni SFO3 Oscar Deborja ng BFP-Boracay,
magsisimula umano sa alas 5:30 ng umaga ang kanilang motorcade bilang
pag-uumpisa ng Fire Prevention Month sa isla ng Boracay.
Maliban dito, mamimigay sila sa mga bahay-bahay ng mga
fliers na nag-lalaman ng mga paalala sa sunog at kung paano ito maiiwasan.
Samantala, may inihanda naman umano ang National Level sa
loob ng isang buwan ng Marso na aktibidad para sa mga paaralan sa probinsya
katulad ng poster making, slogan writing at eassy writing patungkol sa fire
prevention month kung saan dadalhin naman ito sa national at ia-anunsyo kung
sino ang mananalo.
Samantala, pinaigting naman ng kanilang opisina ang
pakikipag-ugnayan sa publiko na dapat silang makinig sa mga Fire Safety Tips
nang sa gayon ay maging-aware sila na maiwasan ang sunog.
Kaugnay nito, paalala ni Deborja sa mga residente na
maging maingat sa mga binibiling electrical wires lalo na itong mga low quality
na maari umanong maging sanhi ng sunog.
No comments:
Post a Comment