Posted March 1, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isang malakas na
alingawngaw ng sirena ng fire truck sa Boracay ang gumising sa mga residente kaninang
alas- singko y medya umaga.
Ito’y dahil
nagsimula na ang isang buwan na paggunita ng Fire Prevention Month sa lahat ng
mga Fire Office’s sa bansa.
Bilang kampanya
laban sa sunog ngayong Fire Prevention Month, ang Bureau of Fire Protection
Unit (BFPU) Boracay ay nagkaroon ng motorcade na nagsimula sa Cagban Port hanggang
Eco Village sa Brgy. Yapak na di-diretso sa Balabag.
Pinangunahan
naman ito ni BFP-Boracay Fire Inspector Johnny Comoda, LGU Officials at mga
responders team sa Boracay.
Samantala, may
tema naman sila ngayong taon na “Buhay at Ari-arian ay Pahalagahan, Ibayong
Pag-iingat sa Sunog ay sa Sariling Pamamahay Simulan”.
Maliban dito
nagbigay rin ang mga ito ng safety precaution tips sa publiko kung paano
makakaiwas sa sunog at kung ano ang mga dapat gawin sakaling magkaroon ng
sunog.
Ang buwan ng
Marso ay kilala bilang Buwan ng Pag-iwas sa Sunog o ang Fire Prevention Month
sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment