Monday, February 27, 2017

Lalaki, huli matapos magpuslit ng sapatos sa City Mall

Posted February 27, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for theftHuli ang isang lalaki matapos na magpuslit ng sapatos sa bagong bukas na City Mall sa Station 1 Brgy., Balabag, Boracay.

Naaresto ng Security Guard ang nasabing suspek matapos mahuli itong kinuha ang isang pares ng sapatos sa isang stall sa nasabing mall.

Ayon sa blotter report ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), palabas na umano ang suspek nang mapag- alamang hindi pa nabayaran ang kinuhang sapatos kung saan inimbitahan ng sekyu ang lalaki para usisain at sa huli ay umamin din ito na ninakaw niya ang naturang sapatos.


Agad namang rumisponde ang mga pulis sa lugar at temporaryong ikinulong sa lock up cell ng BTAC ang suspek.

No comments:

Post a Comment