Posted February 28, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Kalaboso ang
isang Laborer matapos itong mahuli sa kasong Physical Injury sa Brgy., Mayapay,
Buruanga, Aklan.
Isinagawa ng Buruanga
Municipal Police Station ang pag-aresto sa suspek na si Julito Cabangon y
Perucho, 18-anyos residente ng naturang lugar.
Nabatid na nahuli
ang suspek sa kasong RIR to Serious Physical Injury na may Criminal Case
number: 1745 na inisyu ni Hon. Judge
Maribel D. Guia-Cipriano ng 5th MCTC ng Buruanga, Aklan.
Samantala,
nagkakahalaga naman ng P14, 000 ang ini-rekomendang piyansa para sa kalayaan ng
nasabing suspek.
No comments:
Post a Comment