Tuesday, February 28, 2017

Dalawang Cruiseship, dumaong sa isla ng Boracay

Posted February 28, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for MS Seven Seas VoyagerDumaong na sa isla ng Boracay ngayong huling araw ng Pebrero ang dalawang cruiseship na MS Seven Seas Voyager at MS Crystal Symphony.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Jetty Port, lulan ng MS Seven Seas VoyagerXC   ang tinatayang pitong daang mga pasahero at apatnaraang mga crew na dumating  kaninang alas-otso ng umaga sa isla mula Kota Kinabalu Malaysia.

Ito na ang ikalawang beses na ito’y bumisita sa Boracay.

Image result for crystal symphonySamantala, ang MS Crystal Symphony naman ay tinatayang may siyamnaraang pasahero at limang daang mga crew kung saan dumating ito ng alas- diyes ng umaga kanina galing sa Indonesia.

Ito naman ang unang beses ng pagdaong nito sa isla.

Nabatid na pagkatapos ng kanilang pagbisita sa Boracay, tutungo sa Maynila ang MS Seven Seas Voyager mamayang alas-singko ng hapon, habang tutulak naman sa Romblon mamayang alas-nuebe ng gabi ang MS Crystal Symphony.

Kaugnay nito, ang dalawang cruiseship ay ika-lima at ika- anim na dumaong sa isla ng Boracay ngayong 2017.

No comments:

Post a Comment