Monday, February 27, 2017

Commodore Tirol, hinikayat na mag-donate ng Fire-Extinguisher ang mga Hotel/Resort sa Boracay

Posted February 27, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image may contain: 1 person“Fire-extinguisher”

Ito ngayon ang nais ni Commodore Leonard Tirol ng Boracay Action Group o BAG sa mga Hotel/ Resort owners sa Boracay.

Sa kanyang naging interview sa programang Boracay Goodnews ng himpilang ito nitong Sabado ng umaga, hinihikayat niya ang mga ito na mag-donate ng kahit tig-iisang Fire-extinguisher.

Nabatid kasi na short-circuit sa mga poste ng kuryente ang kanilang kadalasang ni-rerespondehan kung saan ang kailangan umano nito ay Fire-extinguisher.

Ayon pa kay Tirol, sila na ang bumibili ng sariling Fire-extinguisher para gamitin sa pag-responde.

Kaya naman apela niya ngayon sa mga Hotel/ Resort owners sa Boracay na mag-donate sila para gamitin sa oras na kailangan ito.

Nabatid kasi na bawal pala umanong buhusan ng tubig ang kuryente na nasusunog dahil ito umano ay magiging sanhi pa para lumakas ang apoy.

No comments:

Post a Comment