Wednesday, March 01, 2017

Isandaang tricycle driver sa Kalibo, gagawing tour guide

Posted March 1, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for parking tricycleTinatayang nasa mahigit isangdaan na mga tricycle driver umano ang gagawing tour guide para i-promote ang turismo sa bayan ng Kalibo.

Ito umanong isangdaang tricycle driver na pinili ng Lokal na Pamahalaan ng Kalibo ay naatasang mag-tour sa mga turista sa mga lugar ng Tigayon Hill, Museo it Akean, Kalibo Eco-Bakhawan Park, Kalibo Cathedral at pasalubong shops kung saan ito rin umano ay may murang packages.

Nabatid na itong mga driver na magsisilbing tourguide sa mga turista ay may sticker na “Vibrant Kalibo” para madaling makilala ng mga turista at naka standby ang mga ito sa Kalibo Pastrana Park.

Samantala, pinamumunuan naman ni Bernie Almero ng Kalibo Tricycle Drivers and Guides Association (Katridga) itong mga sertipikadong miyembro ng tour guides.

No comments:

Post a Comment