Wednesday, August 03, 2016

Security Guard sa Supermarket sa Boracay, ini-reklamo ng katrabaho

Posted August 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for police newsBalot ng kaba at takot ang isang lalaki ng magsumbong ito sa Boracay PNP matapos umano siyang tangkang kasahan ng baril ng security guard at kumprontahin tungkol sa kanilang trabaho.

Sa blotter report ng mga pulis, inireklamo ng biktima na si Antonio Diaz, 26-anyos, isang taga-linis ang security guard na si Abraham De leon dahil sa pagkompronta tungkol sa problema sa kanilang trabaho at pinagbantaan pa umano ang kanyang buhay.

Ayon pa sa biktima na habang pinag-iinitan siya ng suspek ay hinahawakan nito ang kanyang baril at tinangkang kasahin sa harap niya.

Hindi naman sinalaysay ng biktima kung ano talaga ang problema sa kanilang trabaho kung saan minabuti nalang nitong isumbong sa Boracay PNP station ang nangyari para hindi na ito maulit.

No comments:

Post a Comment